KADALASANMINSAN: Sammy
Ang tagal ng kambal kong si Santi. Ngayon na namin gagawin yung second panliligaw surprise niya kay Aya. Si Aya yung bagong lipat sa batch namin, transferee sa ibang school. Ang balita ay medyo airhead daw, at puro ganda lang ang umiiral kaya napatalsik. Medyo bitch daw kasi. Maganda si Aya, pero hindi ko type. Ayoko sa kanya dahil halata na medyo pundido nga siya at medyo may pagka-wala nga sa loob ng bungo pero buti na lang hindi ko siya gusto dahil gustong gusto siya ni Santi.
Hindi ko alam kay Santi pero simula nung pumunta si Aya sa school, na wala pa halos apat na buwan, ay na-iskoran na ng limang lalaki sa amin. Tapos yung isa, yung naging boyrfriend niya talaga, kakahiwalay lang nung isang linggo. Iba nga siguro kung maganda ka? Kaso parang may mali naman sa ganoong set up.
Ako si Samuel, o Sammy. Masyado kaming kambal ni Santi kung tutuusin. Kung hindi mo kami matagal na nakilala, siguradong isang tao lang ang tingin mo sa amin. Kuya ko si Santi ng halos isang minuto lamang. Ang palatandaan lang ng mga kaklase namin ay mas matangkad ako kay Santi, mahilig ako sa tennis at siya sa basketball, palaaral ako ng mga libro, si Santi naman madiskarte sa mga project sa technology, art, music etc. Si Santi madaling kapitan ng ubo’t sipon, kaya sa tingin ko mas payat siya sa akin kahit halata namang nagso-sports kaming dalawa. Pareho kami ng team sa mga sports league kaya hindi rin kami masyadong nag-aaway pagdating sa ganung usapin. Share kami ng room, magkaiba lang ng kama. Yung mas maayos at mas maraming bagay na kulay green, yun ang kanya. Yung ngiti ko, parang kagat labi lang, yung kanya naman ay labas ngipin.
May balat nga pala ako. Kaso sa pagitan ng tiyan at dibdib, kaya hindi rin masyadong nakikita ng mga tao.
Naghihintay ako ngayon sa labas ng building namin. Natraffic daw si Santi pero nasa taxi na. Ang plano ay hihintayin namin si Aya pagkatapos ng klase, at susurpresahin ng balloon arrangement ni Santi na hindi ko rin alam kung anong kaartehan ang pumasok sa isip niya. Bale, lookout lang ako. Kasi baka daw ineexpect na ni Aya kasi nag-iwan daw si Santi ng isang dosenang pulang rosas sa taas ng table ni Aya.
“Oy Sammy. Di ka pa uuwi? Sabay ka na sa amin,” nakita ako nung isang barkada sa loob ng klase ko. Palatandaan daw nila sa amin ng kambal ko ay mas mukha daw akong nerbyoso, kahit alam kong kilala lang na talaga nila kami sa isa’t isa bilang ang tagal na naming magkaklase.
“Di pa. Hintayin ko lang kambal ko. Ingat!”
Unti-unti nang nagsilabasan yung mga tao sa loob ng room nila Aya. Agad kong tinext si Santi na bilisan niya dahil mas kabado pa yata ako sa kanya. Totoo nga yata yung sinabi ng mga kaklase ko. Maya-maya ay lumabas ang dalawang kabarkada ni Aya, pero sa tingin ko ay sumasama lang sila kay Aya para bakasakali ay mahawaan sila ng ganda niya.
“Hi Sammyboy. Palabas na si Aya. Kinakausap lang ni ma’am,”
Naisip ko agad na bagsak si Aya sa test dahil may hawak na quiz yung mga kaibigan niya. Mataas naman ang mga grado. Umalis na ang dalawa at halos si Aya na lang ang nasa loob na kausap ng teacher. Karga ni Aya sa isang kamay yung pagkalaking bouquet na naka-wrap sa, ano pa, edi green na papel at sinamay.
Nasaan na ba ‘tong si Santi. Uutusan na nga lang akong maging undercover agent, nagpapa-importante pa siya?
Nang lumapit si Aya sa may pintuan, ngumiti ako, o parang kinagat ko ang mga labi ko. Maganda nga talaga siya.
Nagulat ako ng halos tumakbo siya papunta sa akin, yumakap at bigla akong hinalikan habang ang mga labi ko’y madiin na nakasara. Yung bouquet ay namagitan sa amin, at yung pinakamataas na rosas ay nakasakto sa ilalim ng kaliwang tenga ko. Nagulat ako sa ginawa ni Aya pero hindi ko ginalaw ang kahit anong parte ng katawan ko habang siya’y patuloy na humahalik.
“You’re so sweet but my driver is there na waiting for me,” sabi ni Aya.
“I think I like you na, Santi,” nag-blush si Aya sabay pisil sa braso ko at dali-daling tumakbo papunta sa kanilang van na umalis na rin pagsakay niya. Nanlaki ang mata ko.
Siguradong hindi lang ako may.kilalang-kilala kay Santi. Pero kadalasan, yung mga taong gusto nating kilalanin, ay hindi tayo kayang kilalanin.
At minsan, hindi talaga nila tayo nakikilala.
Good news, gusto ni Aya ang kambal ko.
Bad news, paano ko sasabihin kay Santi.
11:09 am • 18 April 2013
KADALASANMINSAN: Rocky
Sa isang buong taon, minsan lang tayo mag-usap. Saktong kamustahan lang. Kung sa text man, mga limang tanong-sagot lang, mayroon nang hindi na magrereply. Kung dati-rati’y araw-araw kung magkausap, ngayon, bilang na bilang na lang.
Sabi mo, namimiss mo na yung dating ikaw. Ako rin. Namimiss ko yung dating ikaw, at sa malamang yung dati ring ako.
Yung dating tayo. Kasi dun lang naman nagkaroon ng tayo.
Paano kaya kung hindi na lang tayo tumanda, yung hindi natin napapansin na baka may masaktan, baka may ma-attach ng sobra, baka hindi pala talaga totoo kung ano man yung nararamdaman.
Paano kung hindi mo na lang iniwan yung dating ikaw, o kaya hindi ko narealize na dapat na akong maging ganito?
Paano kung mahal mo pala ako, ayaw mo lang aminin?
Paano kung mahal pa rin kita hanggang ngayon?
Nagtatanong pa rin ba tayo o ayaw lang nating tanggapin yung sagot?
Nasasaktan pa ba tayo o nasanay na lang?
Ang sabi nga nila, kapag narinig mo na ang bawat patak ng kamay ng oras, ang hirap nang hindi pansinin.
(Source: kadalasanminsanseries)
11:50 am • 22 January 2013
KADALASANMINSAN: Quin
May mga tao sa mundo na iniiwan natin dahil alam nating hindi na maipagpapatuloy kung anong meron kayo. Pagkakaibigan, pag-ibig, kasosyo sa negosyo, kahit mga estranghero. Minsan, kahit alam nating hindi na maipagpapatuloy ang mga koneksyon natin sa kanila, hindi naman natin iyon matanggap. Bakit?
Baka masakit pa. O baka siguro meron pa, na may ibubuga pa, baka may maipipiga pa.
Baka kaya mo pa sana siyang ipaglaban. Baka hinihintay mo lang na maramdaman na ikaw naman ang ipinaglalaban.
Baka hindi ka madaling lumimot o baka masyado mo pa ring natatandaan ang lahat.
Baka importante pa. Kaya ipagpapatuloy pa.
Yung para bang may gusto ka pa sanang sabihin pero wala na yung pagsasabihan. O di kaya yung may gusto ka pa sanang isulat, pero naubusan ka na ng tinta at wala ka nang mahiraman ng ballpen. Ang resulta? Susubukan mong tandaan, pero gaya ng ibang bagay, mawawala ito sa isip mo. At pa-traydor na babalik kung kailan akala mo okay ka na.
Pero minsan din, iniiwan natin sila dahil hindi na sila nakabubuti para sa atin.
Baka masakit na. Baka wala na, ubos na, wala nang maipipiga.
Baka hindi mo na siya kayang ipaglaban. Baka napagod ka nang maghintay na ipaglaban ka din niya.
Baka hindi na masyado o hindi na talaga importante para ipagpatuloy pa.
Yung sinisigaw mo na, pero hindi naririnig kasi ayaw din naman na pakinggan. O di kaya naisulat mo na, kahit dugo pa yung tinta, pero hindi niya naman babasahin dahil baka ayaw din niyang buksan ang mga mata niya.
Baka mas okay na rin kung gusto mo nang ayawan kaysa naman sa paulit ulit na pagsasabi na ayaw mo na siyang magustuhan, pero hindi naman natutupad. At least kung gusto mo na siyang ayawan, nagiging proseso, paunti-unti, kahit igapang, kahit nahihirapan, ipaglalaban. At sinusubukan.
Nakaka-miss yung mga ipinaramdam mo sa akin na iba na ang nakakaramdam ngayon.
Nakaka-miss na kilala kita dati, at sana rin hanggang ngayon.
Nakaka-miss ka ng sobra. Pero hindi na ako babalik, dahil wala na rin naman akong babalikan.
Kahit na nahihirapan, ipaglalaban. At hanggang ngayon, sinusubukan.
(Source: kadalasanminsanseries)
9:59 am • 17 September 2012 • 2 notes
KADALASANMINSAN: Punk
A letter to a friend.
Birthday ng ex-bestfriend ko ngayon. Actually ewan ko kung ganun din turing niya sakin dati, pero it doesn’t matter basta yun ang turing ko sa kanya.
Siya yung nakakaalam ng halos lahat tungkol sa akin. At minsan pa may mga nasasabi ako sa kanya na hindi ko masabi sa mga babae kong bestfriends. Alam mo yung there’s just something about a boy na comfy, na hindi ka magdadalawang isip na magkwento, kasi minsan yung girlfriends mo pa ang magja-judge sayo. Itong ex-bestfriend ko, pinagsasabihan niya ako na kahit offensive, naiintindihan ko from a boy’s point of view.
I was fourteen and I still remember everything. Ito ang mahirap sa akin.
Sa madaling araw, mangungulit yan. He trusted me, too. Kahit ang dami niyang kaibigang lalaking mas makakaintindi sa kanya, alam ko at one point he trusted me too.
And he was the only one who had the guts to say “Ang tanga tanga mo, Max. Maawa ka sa sarili mo.”
And even if it hurt, I believed him. He told me to move on, get over a one-sided love kasi kawawa ako. He told me to save myself before I even start to fully drown. Sinabi niya sa akin na wala akong mapapala kung ipagpapatuloy ko yun. Sinabi niya sa akin na tanga ako, kung kailan kailangan ko nang malaman na tanga pala talaga ako. And that was a big deal.
Ang dami niyang nagawa para sa akin na hindi man lang ako nakapagpasalamat dahil hindi ko na rin naipaglaban yung pagkakaibigan namin.
And I still remember a rainy July night years after hindi na nag-usap, the birthday celebration of a common friend (my bestfriend), high with alcohol, hindi nagpapansinan, pasulyap sulyap.
Tapos nagkatinginan, bigla na lang nagyakap kami.
Sabi ko “Sobrang miss na kita.”
Ang sabi lang niya “Pasensya ka na ha.”
And things were never the same again. We are never the same fourteen year old kids. I am never the same person without the one I used to call ’Bakla’ without him being offended.
It’s very unfortunate to lose a potential bestfriend because of the people he loves. Pero hindi kasi makakapagsama sa mundo niya ng sabay yung mga mahal niya sa mga taong dating mahal niya. At wala ring matapang sa aming dalawa para ipaglaban ang isa’t isa.
Sabi mo sa akin, mag-move on ako. I did, punk. I really did. And until now, I am still trying. For you. Because I owe you the favor of not being kawawa anymore. Because I owe you for getting over a first love.
You told me to move on but how come you never stayed?
Whatever I told you that July still holds true until this day. Sobrang miss na kita.
And I hope you’re here, even if you’re just going to tell me “Pasensiya ka na.”
I just hope we’re still friends. But I guess a punk’s gotta do what a punk’s gotta do. I hope you’ll have a happy life, as I wish myself the same.
Happy birthday, punk. I owe you a lot. But you owe me a lot more.
(Source: kadalasanminsanseries)
11:10 pm • 27 August 2012
KADALASANMINSAN: Olive
(Upang lubos na maunwaan, maaaring basahin ang kwento ni Nel bago magpatuloy sa pagbabasa ng kwento ni Olive.)
Nagising ako sa alarm ng cellphone. 7:15 a.m., bale 15 minutes nang nagaalarm to. Biglang may malakas na kulog atsaka ko lang namalayan na napakalakas ng ulan sa labas. Nagising akong masakit ang ulo sa tama ng mga nainom kagabi.
Kagabi. Bigla kong naalala.
Nagmamadali kong kinuha ang nagaalarm pang cellphone sa bedside table at agad na itext si Nel.
“Hi Nel. I’m still sorry for last night. I can’t believe I kissed you, but please wag mo lagyan ng malisya yun. I was just drunk. Ang sakit sakit pa din na iniwan niya ako for that girl. Magfo-four years, tapos ganun na lang bigla? Thanks for staying with me last night. Sorry, ulit.” SEND.
Shit. Putangina lang ng mga biglang nang-iiwan. Putanginang three years, ten months at 26 days na yan.
Putangina ko lang at nandamay pa ako isang tao sa problema na to. Alam ko namang gusto ako ni Nel. Kamusta kaya siya?
Nagtype ulit ako ng message. Para sa kanya. Si three years, ten months at 26 days.
“Where are you? Hindi ka puwedeng mawala ng hindi nagpapaalam? Sabi mo sa akin pag-uusapan pa natin to. Tapos ngayon, wala na, ganito na lang? Magpakita ka. Mag-explain ka!” SENT.
Phone beeps. Si Nel.
“Olive, mag-usap tayo mamaya. I have something to tell you.”
Shit, no. Nakapandamay pa ako! Isang buhay ang naipasok ko sa gulong ito!
Phone beeps again. Please, Nel, don’t make this harder than it already is!
Pero si three years, ten months at twenty six days ang nag-text.
“Nabuntis ko sya. It’s over, Olive, mas kailangan niya ako.”
Na-automatic ang luha at napayakap na lang ako sa unan nang mabasa ko iyon.
Putangina, anong nangyayari? Pinaasa niya ako!
Phone beeps. Si Mr. Class President.
“All classes, including graduate school, and office are suspended TODAY due to inclement weather. Please be guided accordingly. From your Central Student Council.”
Naibato ko ang cellphone ko sa kaharap na cabinet at humiwalay ang likod na casing. Sa pinagbagsakan ng takip, ay ang isang makapal na itim na belt. Tumayo mula sa kama, pinulot ang belt.
“Hindi lang kayo ang mang-iiwan. Wala nang makakasagip sa akin.”
Sinuspend ni Olive ang sarili. Si Olive ay naiwan sa ere.
(Source: kadalasanminsanseries)
12:27 pm • 24 August 2012
KADALASANMINSAN: Nel
Ang lakas ng hangin na humahampas sa bintana ng dorm namin. Sabay na rin ang galit na pagpatak ng ulan. Binuksan ko ang isa kong mata upang silipin ang wallclock mula sa higaan ko sa top bunk. 7:25 a.m. Pumikit ako ulit at inangat ang aking makapal na kumot hanggang sa aking mga pisngi.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kaibigang Engineering student na si Nico sa ilalim na kama. Narinig kong bumukas ang pintuan ng banyo at nagmamadaling pagbubukas ng mga drawer ng isa pang kaibigang nag-aaral naman ng Architecture.
“Shit na ulan oh. Pag nabasa plates ko, naku!”
Binuksan ko ulit ang aking mga mata at nakita ang tulog pang kaklase sa Fine Arts sa kabilang taas na double deck.
“Nel, alam mo ba kung may pasok? Check mo nga telepono mo. Ikaw lang may internet dito eh.” Nagmamadaling nagpantalon ang kakaligo pa lang na kaibigan.
Kinapa ko ang BlackBerry sa ilalim ng unan ko. May tatlong text. Pero ang una kong binuksan ay ang Twitter. Scroll, scroll, scroll.
“May pasok, dre.” Sambit ko.
“Pakingshet.” Nakapolo na at ineenvelope ang mga pinaka-importanteng papel sa buhay niya.
“Ang hirap ng graduating, mga bro.” Sabi ni Nico, sabay tawa.
Nangiti na rin ako sa loob ng kumot, nag-inat at sabay basa sa mga text messages ko.
Galing kay mom, bestfriend kong uwian sa Bulacan at kay Olive. Si Olive.
MOM: Anak, may pasok ha. Ingat ka. Bring ur payong and sweater. Love u.
Reply: Yes, Ma. Ingat din po. My class is at 9. Love u, Ma. SEND.
NIXON: Bro, may pasok. Tindi ni SecGen ah. Grabe ulan dito. Byahe na ako. Kwento mo sakin yung kay Olive mamaya.
Reply: Sige, ingat. Kakagising ko lang. SEND.
OLIVE: Hi Nel. I’m still sorry for last night. I can’t believe I kissed you, but please wag mo lagyan ng malisya yun. I was just drunk. Ang sakit sakit pa din na iniwan niya ako for that girl. Magfo-four years, tapos ganun na lang bigla? Thanks for staying with me last night. Sorry, ulit.
“Fuck.”
Muntik ko nang maibato ang cellphone ko. Sana suspended na lang yung klase para hindi ko na makita si Olive sa classroom. Sana suspended na lang hanggang maka-graduate dahil four years na rin akong tanga-tangahan kay Olive na boyfriend din yung ka-block namin.
“Okay ka lang, Nel?” Tanong ni Nico na nasa ilalim ng kama ko. Alam niya, sinabi ko sa kanya kagabi ang nangyari. Sabay hagupit ulit ng malakas na hangin sa aming bintana.
Napabuntong hininga ang kaibigan sa Archi at sinabing, “Aasa pa rin ako sa suspension,” sabay sukbit ng backpack at labas ng kwarto sa dorm.
Nagpaalam si Nico na bibili ng kape at tinapay sa baba ng dorm at sinubukang habulin ang kakaalis lang na kaibigan, habang ang isa ko pang kaklase ay balot na balot pa rin sa kumot at naghihilik sa kabilang double deck.
Kinuha ko ang cellphone at binasa ulit ang message ni Olive. Hindi ko alam ang irereply so I came up with with my best possible weapon.
Reply: Olive, mag-usap tayo mamaya. I have something to tell you. SEND.
SENT.
Napikit ako at inisip kung tama ba ang ginawa ko, pero tapos na rin naman. Kailangan namin magkita mamaya para mapag-usapan kung ano ang mga dapat pag-usapan.
Nag-bleep ang cellphone ko ng may mag-text. Sana si Olive, sana pumayag siya.
Pero ang presidente ng klase ang nag-text.
All classes, including graduate school, and office are suspended TODAY due to inclement weather. Please be guided accordingly. From your Central Student Council.
Napabuntong hininga ako. Buti pa yung ibang tao, ito lang ang inaasahan.
“Asa ka pa, Nel.” At nagpakalunod na lang ako sa loob ng makapal na kumot para mabawasan ang lamig na nararamdaman.
(Source: kadalasanminsanseries)
10:37 pm • 1 August 2012
KADALASANMINSAN: Missa
POSISYON, ang kwento ni Missa.
“Mababaliw ka.”
Yan ang pangako sa akin ni Missa, nung una. Ilang taon na kaming ganito. Walang I love you’s, walang monthsary at anniversary, walang commitment, walang direksyon. Walang pupuntahan, kaya walang napatunguhan.
“Mababaliw ka.”
Yan ang pangako sa akin ni Missa, sa kama. Patalikod. Yan ang paborito niyang posisyon.
At ngayon, magaalas siyete ng gabi, pagkatapos na pagkatapos ng last class ng Lunes, malapit na ako.
Patalikod.
Hinigpitan ko ang kapit ko sa balingkinitan niyang bewang. Maputi. Makinis. Basang basa na ng pawis.
Ang mahaba at mapula niyang buhok ay nakasaboy at dikit dikit na sa pawis na likuran. Ang mga ungol niya at mga sigaw ko ay tumatalbog sa apat na sulok ng madilim at maliit kong nirerentahang kuwarto. Napapalibutan kami ng ingay pero sa silid ko’y kami lang ang nagkakarinigan.
“More,” sambit ni Missa. Nagmamakaawa.
Nakakabaliw.
Binilisan ko lalo. Tagaktak ang pawis. Tuyo ang dila at labi. Biglaang pikit ng mata.
Nabaliw.
Pagkatapos ng ilang minutong pangongokolekta ng sarili, nagyakap kami ni Missa sa gitna ng aking kama, ang hubad niyang katawan ay perpektong nakahubog sa akin. Hinawi ko ang buhok niya’t tinitigan ang magandang mukha.
“Alam mo, I really really like that position and how you do it to me,” hinagkan ako ni Missa sa mga labi at nilasap ko dahil alam ko’y maya-maya lang ay aalis na naman siya.
Tumayo siya’t nagbihis, nagtali ng buhok at nagpahid ng lipstick. Kinuha ang bag, nagsindi ng sigarilyo.
“Bukas na lang ha? Same position,” Kinindatan niya ako. “Sabi ko sa iyo mababaliw ka eh. See you in class.” Binuksan ang pinto, lumabas at hinintay kong mawala ang mga katok ng high heels niya.
Madami akong gustong sabihin kay Missa, pero lagi na lang kung kailan wala na siya sa aking silid tiyaka ko naaalala lahat.
Sa pag-usad ng mga katawan, umuurong ang dila, ang bilis ng mga pangyayari ay siyang bilis din ng tibok ng puso.
Madami akong kayang ibigay na kaligayahan sa kanya kung ako ang pipiliin niya. Madami akong kayang gawin upang mabaliw din siya sa akin, bukod doon sa paborito niyang posisyon.
Tuluyan na akong nabaliw sa iyo, Missa.
Ang akin lang, ako ba, anong posisyon ko sa iyo?
(Source: kadalasanminsanseries)
10:55 am • 30 June 2012 • 1 note
KADALASANMINSAN: Kate
Limang minuto bago mag-alas otso ay matiyagang inaayos ni Kate ang maayos na naman niyang mga gamit sa loob ng locker niya. Titignan pa ang schedule niya kahit na kabisado na niya ito. Hahawak-hawakan nito ang mga libro, mga picture ng kaklase at isang picture ng lalaki na nasa pink na heart cut-out.
Dumarating si Lino ng saktong alas-otso ng umaga. Saktong sampung minuto bago mag-ring ang bell at magsipag-pasukan sa classroom. Tatabi siya kay Kate na nagmamay-ari ng katabi ng locker niya, at minsan pa’y magkakadikit ang mga siko nila.
Kukunin ni Lino ang mga gagamiting libro sa araw na iyon at marahang ipapasok sa bag niya. Sa pagsara ng pintuan ng locker, makikita niya si Kate at ang malinis nitong locker, ang picture niya sa loob nito, mapapangiti, at aalis papuntang classroom.
Si Kate na walang malisya sa lahat ay malulusaw sa pagkakangiti ni Lino at kikilos lang kapag nag-ring na ang bell.
“Bakit hindi siya nag-hi?’
Tatlong taon.
Hindi sinasadya ni Kate na limang minuto bago mag-alas otso ay may kukunin siya sa locker. Binuksan niya ang pinto nito at kinuha sa taas ng dictionary ang scientific calculator niya. Nakita niya ang picture ng mga kaklaseng nagbago na ang mga itsura sa paglipas ng panahon, at ang isang nangingitim na pink heart cut-out na wala namang laman.
Dumarating si Lino ng saktong alas-otso ng umaga. Saktong sampung minuto bago mag-ring ang bell at magsipag-pasukan sa classroom. Nagulat si Kate at muntik nang malaglag ang heart cut-out sa pagkaka-tape nito, nang may pamilyar na siko ang dumikit sa braso niya.
Kukunin ni Lino ang mga libro niya sa araw na iyon at marahang ipapasok sa sports bag niya. Kukunin nito ang bagong rubbershoes na nasa dulo ng locker at bibitbitin sa isang kamay.
Sa pagsara ng pintuan ng locker ay makikita niya si Kate, ang malinis nitong locker, na maluha-luhang nakatitig sa papel na dati’y picture niya. Hihinga ito ng malalim at aalis papuntang classroom.
Si Kate ay tuluyang naiyak sa pagpapawalang-halaga ni Lino at kikilos lamang kapag nag-ring na ang bell.
“Bakit hindi na siya nag-hi kahit kailan?”
(Source: kadalasanminsanseries)
11:06 am • 30 May 2012
KADALASANMINSAN: J
Kahit anong pilit na sabihin na okay na, minsan ginagago tayo ng sarili nating mga isip at puso, at pilit nilang binabalikan yung mga bagay na ‘okay na.’
Yung nananahimik ka na dahil kailangan, pero may mga paminsan-minsan pa ding nangungurot-ngurot ang mga bagay na matagal nang nakalimutan. Naiiisip mo pa din yung mga bakit at mga paano kung ganito-ganyan.
Pero kahit aminadong talo ka na at tanggap na tanggap na tanggap mo na wala na, over na, minsan gagaguhin natin ang sarili natin at bigla na lang nating maiiisip ang lahat. Ang lahat ng pinagpaguran ay wala nang napuntahan.
Iniisip ko pa din kung hinabol pa kaya kita, mapapagod ka din at mag-aabot na tayo?
Pero biglang naisip ko rin na hindi ka magpapahabol.
Hindi ka nagpapatalo.
(Source: kadalasanminsanseries)
10:18 am • 30 May 2012 • 1 note
KADALASANMINSAN: Ice
Marami akong gustong sabihin sa iyo pero hindi ko alam kung paano. Marami akong naiiisip na pwede kong sabihin, pero alam kong kahit kailan hindi mo mapakikinggan dahil hindi ko rin naman ipapaalam.
Sumusulat ako para sa’yo pero hindi mo naman mababasa dahil hindi ko rin susubukang ipabasa sa iyo.
Marami akong gustong isigaw sa mundo tungkol sa iyo pero sa halip ay ibinubulong ko ang mga ito sa sarili ko.
Pero gaya ng mga ito, mayroong ka ding mga ginagawa sa akin na hindi mo maipapaliwanag dahil hindi mo naman sinasadya. Sana nga hindi mo sinasadya.
Ganyan lang, parang ganyan lang…
(Source: kadalasanminsanseries.tumblrcom)
11:41 pm • 28 May 2012